Sinimulan na ngayong araw ang Bakuna-Eskwela sa mga pampublikong paaralan sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan City Mayor Along Malapitan, ang school-based immunization program ay ibinibigay sa mga mag-aaral mula Grade 1, 4, at 7.
Mismong ang alkalde ang nanguna sa kick-off activity sa Caloocan High School kasama ang mga opisyal ng City Health Department, Schools Division Office, at kinatawan mula sa Department of Health.
Prayoridad ng local government na mabigyan ng sapat na proteksyon ang mga batang mag-aaral mula sa iba’t ibang karamdaman kabilang na ang tigdas, rubella, tetanus, diphtheria, at human papilloma virus.
Tiniyak ng alkalde na ligtas at epektibo ang mga bakunang ito.
Apela nito sa mga magulang, na pirmahan ang consent forms na ibibigay ng mga paaralan upang mabakunahan ang mga anak. | ulat ni Rey Ferrer