Photo courtesy of Department of Agriculture
Binigyan na ng go signal ng Department of Agriculture ang pagbabakuna ng African Swine Fever vaccine sa mga commercial farm.
Nakasaad ito sa inilabas na Administrative Order No. 08 series of 2024 ng DA na layong palawakin ang bakunahan kontra ASF sa bansa.
Sa naturang AO, nakasaad na mababa ang partisipasyon ng mga maliliit na hog raisers sa controlled vaccination program.
Kaya para mapabilis ang pagbabakuna kontra ASF, tuturukan na rin ang mga baboy sa mga commercial farm.
Mahalaga ito para agarang matukoy ang vaccine efficacy ng bakuna.
Sa ilalim naman nito, tanging mga producer lamang na kabilang sa Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion o INSPIRE program ang pasok sa programa.
Kinakailangan magsumite ng intent letter sa Bureau of Animal Industry at pumayag na magsagawa ng inspeksyon sa kanilang farm at kuhanan ng blood sample ang kanilang mga alagang baboy. | ulat ni Merry Ann Bastasa