Kinumpirma ng Phlippine Navy ang panibagong insidente ng pambobomba ng tubig ng China Coast Guard (CCG) sa barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, nangyari ito kaninang umaga sa Bajo de Masinloc.
Binomba umano ng tubig ng CCG ang barkong pangisda ng BFAR.
Dagdag pa ni Trinidad, ang BFAR na ang magbibigay ng karagdagang impormasyon kaugnay sa insidente gayundin ang kalagayan ng mga mangingisdang sakay nito. | ulat ni Diane Lear