Simula mamayang 12:00 ng tanghali ngayong araw na ito, Miyerkules, October 30, 2024, ay makakaranas ng pangkalahatang pagkawala ng suplay ng kuryente ang buong Batan Island dahil sa ipinatutupad ng NAPOCOR na total shutdown dulot ng patuloy na masungit na panahon na dala ng bagyong #LeonPh.
Ayon sa advisory ng BATANELCO, ang pagpapatupad ng NAPOCOR ng nasabing shutdown ay hakbang upang maiwasan ang panganib na dulot ng bagyo sa mga elektrikal na pasilidad upang hindi lumala ang pinsala sa mga kagamitan at maging mabilis ang power restoration sakaling gumanda na ang panahon.
Asahan naman na maibabalik ang suplay ng kuryente kapag ligtas na para sa lahat. | ulat ni Myzel N. Estoy | RP1 Batanes