Naniniwala si House Committtee on Basic Education Chair at Pasig Rep. Roman Romulo na makatutulong ang bagong batas na magpapahinto sa paggamit ng “mother tongue” language sa mga kindergarten to grade 3 students para itaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Sa isang ambush interview sa BPSF event sa Pasig, sinabi ni Romulo na kung gagamitin ang isang lengwahe na mas higit na alam ng mga bata ay mas madali nilang mauunawaan ang kanilang aralin at mapapahusay nito ang kanilang reading comprehension.
Ang Republic Act 12027 o Act of Discontinuing the Use of the Mother Tongue as Medium of Instruction from Kindergarten to Grade 3 ay nag-lapse into law at magmamandato sa paggamit ng isang lengwahe sa paguturo habang ang regional dialect naman ay magsisilbing medium for instructions.
Dagdag ng mambabatas, sa dami ng mga lengwahe sa bansa, importate na higit na nauunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang asignatura.| ulat ni Melany V. Reyes