Dismayado ang Teacher’s Dignity Coalition sa pagpapatigil sa paggamit ng ‘mother tongue’ bilang ‘medium’ sa pagtuturo mula Kindergarten hanggang Grade 3.
Ito’y matapos na mapaso o nag-lapse para maging batas ang Republic Act 12027 noong October 10.
Sa ilalim nito, ibabalik sa Filipino at English ang medium ng pagtuturo habang ang mga local dialect ay magiging ‘auxiliary’ na lang sa pagtuturo.
Ayon kay TDC Chair Benjo Basas, hindi solusyon ang pag-alis sa mother tongue sa pagtuturo.
Aniya, totoong may mga problema na kinakaharap sa pagpaptupad ng MTB-MLE, ngunit ito ay masosolusyunan sana ng wastong paglalaan badyet at paggampan ng Department of Education (DepEd) at iba pang ahensya sa kanilang mga obligasyon.
Kaugnay nito, una na ring sinabi ng ACT Teachers Partylist na pag-aaralan nila kung maaaring iapela ang desisyon sa Korte Suprema dahil napipigilan ng batas ang pagpapahayag ng mga mag-aaral at mga guro sa loob ng silid-aralan. | ulat ni Merry Ann Bastasa