Bilang ng mga customer ng Meralco na naibalik ang supply ng kuryente, nadagdagan pa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco) sa kanilang mga customer na patuloy ang kanilang mga tauhan sa pagsisikap na maibalik ang suplay ng kuryente sa mga lugar na apektado ng bagyong Kristine.

Ayon sa ulat ng Meralco as of 12 NN, bumaba na sa 360,000 ang bilang ng mga kustomer na walang kuryente mula sa 566,000 na naapektuhan kagabi.

Karamihan sa mga apektadong lugar ay nasa bahagi ng Cavite, Laguna, at Batangas; habang ang iba ay nasa Metro Manila, Rizal, Bulacan, at Quezon.

Ayon kay Joe Zaldarriaga, vice president at head ng Corporate Communications ng Meralco, inuuna nilang siguruhin ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan at hinihintay munang humupa ang baha bago maibalik ang supply ng kuryente.

Humihiling din sila ng pang-unawa sa kanilang customer habang patuloy ang mga hakbang upang maibalik ang serbisyo ng kuryente ngayong araw. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us