Bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Kristine, sumampa na sa 125 — OCD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga napaulat na nasawi sa pananalasa ng bagyong Kristine.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) as of 8am, mula sa 116 kahapon, sumampa na ngayon sa 125 ang mga napaulat na nasawi mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Sa naturang bilang ng mga nasawi, 14 dito ang validated o kumpirmadong may kinalaman sa bagyo.

Umabot naman sa 115 ang mga napaulat na nasaktan habang 28 naman ang mga napaulat na nawawala. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us