Sa ika-limang araw ng paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) para sa 2025 midterm elections, nakatanggap na ang Commission on Elections (Comelec) ng 70 aplikasyon mula sa mga gustong maging senador at 73 party-list groups.
Ilan sa mga kilalang personalidad na opisyal nang naghain ng COC para sa pagka-senador ang broadcaster na si Ben Tulfo, na posibleng makasama ang kanyang mga kapatid na sina Raffy at Erwin Tulfo sa Senado kung mananalo sa darating na halalan. Bumalik din sa politika si dating senadora at justice secretary na si Leila de Lima bilang first nominee ng Mamamayang Liberal party-list, at si George Royeca ng Angkas para sa ANGKASangga party-list.
Ayon kay Comelec Chair George Garcia, marami pang inaasahang magsusumite ng COCs sa mga susunod na araw habang patuloy ang paghahain ng mga kandidato at party-list organizations na magtatagal hanggang sa October 8.| ulat ni EJ Lazaro