Binuksang distribution center sa Laguna, nakikitang magpapalakas ng logistic system ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na lalakas pa ang logistic system ng Pilipinas, kasunod ng pagbubukas ng Maersk Optimus Distribution Center sa Laguna (October 30).

Ayon sa Pangulo, sa pamamagitan kasi ng bagong distribution center na ito, maikukonekta pa ang mga isla sa bansa, mapalalakas rin ang mga industriya, mga negosyo, at mas mailalapit ang publiko sa mga oportunidad at development.

“With the grand opening of the Maersk Optimus Distribution Center, our logistics system will be a step closer to become a powerful force—bridging our islands, breathing life into our industries, our businesses, bringing together our people on a path towards sustained development,” -Pangulong Marcos.

Ang logistic sector ng bansa ay nasa ika-43 pwesto mula sa 139 na mga bansa kung ang Logistic Performance Index ng World Bank ang pag-uusapan.

Mas mataas na ang pwestong ito, para sa taong 2023 kumpara noong 2018, kung saan nasa ika-60 ang bansa.

Malaking bagay dito ayon sa Pangulo ang mga hakbang na ipinatupad ng gobyerno sa pagpapabilis ng proseso sa customs, pagpapabuti ng imprastruktura, at pagsisiguro na on-time ang mga magiging deliver ng mga kargamento.

“Our gains in customs efficiency, infrastructure quality, on-time deliveries made this rank improvement possible,” -Pangulong Marcos. Ang PhP4.8 billion na state-of-the-art distribution center na ito, ay tinatayang makapagbubukas ng halos dalawang libong trabaho para sa mga Pilipino. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us