Kasunod ng ipatutupad ng VAT Digital Services Law, inihayag ngayon ni BIR Commissioner Romeo Lumagui na maglalabas sila ng revenue regulation para sa foreign digital service providers na may pananagutan ng magbayad ng Value-Added Tax.
Sa Malacañang briefing, sinabi ni Lumagui na layunin ng hakbang na matukoy kung paano magre-report ng kanilang mga kita ang mga dayuhang kumpanya na may kinalaman sa digital services.
Sa harap nito’y binigyang-diin ni Lumagui na madali para sa kanilang malaman ang totoong revenue status ng isang dayuhang kumpanya gayong nalalaman nila sa platform ang sales at transaksyon nila.
Hindi lamang nila mamo-monitor ito kundi mako-cross check din aniya nila ang payments at ilan pang transaksyon.
Kapag may hindi tumugma, tatawagan aniya nila ng pansin ang kinauukulang kumpanya habang may kapangyarihan din ani Lumagui ang BIR na i-block ang kanilang platform o website dahil sa kawalan ng compliance. | ulat ni Alvin Baltazar