BIR, nakipag-partner sa PCUP para sa programa sa urban poor

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagtulungan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Presidential Commission for the Urban Poor para sa pagpapalawak ng programa sa mga mahihirap.

Nilagdaan ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang isang Memorandum of Agreement (MOA) para sa exemption sa buwis ng mga donasyong ibinibigay ng pribadong kumpanya sa PCUP.

“The BIR will exert all efforts in assisting the noble mission of the PCUP to implement programs for the urban poor. The BIR is your partner in helping the urban poor. Excellent taxpayer service means the granting of tax exemptions, as long as there is legal and factual basis for the exemption. We are at your service,” ani Commissioner Lumagui.

Bukod dito, kabilang din sa probisyon ng MOA ang pagbibigay ng orientation sa mga itinalagang focal persons ng PCUP ukol sa mga polisiya at alituntunin para sa exemption na ibinibigay sa mga donor, at ang pagtatalaga ng isang focal person na makikipag-ugnayan sa PCUP para sa pagpapatupad ng MOA. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us