Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na susundin ang patnubay ng Commission on Elections (COMELEC) at ng korte, kapag magdesisyong lumahok sa midterm elections si dismiss Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Sinabi ni BJMP Spokesperson Superintendent Jayrex Bustinera, na may koordinasyon na ang bureau sa COMELEC kung sakaling muling kumandidato si Guo.
Nauna nang inihayag ng COMELEC, na hindi nito mapipigilan si Guo na tumakbo dahil nakabinbin pa ang kanyang mga kaso at hindi pa nareresolba.
Sabi pa ni Bustinera, ang magagawa lamang ng bureau ay magbigay ng mga escort kay Guo at tiyakin ang kanyang kaligtasan kung papayagang maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC).
Kasalukuyang nakakulong sa Pasig City Jail Female Dorm ang na-dismiss na alkalde ng Bamban kasama ang 43 iba pang PDL. | ulat ni Rey Ferrer