Nakataas pa rin ang Blue Alert status sa rehiyon ng CALABARZON partikular na sa lalawigan ng Batangas bunsod pa rin ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
Kahapon, October 2, nagsagawa ng emergency meeting ang Office of Civil Defense-CALABARZON makaraang magtala ng phreatomagmatic eruption ang bulkan.
Tinalakay dito ang kasalukuyang kalagayan ng Bulkang Taal batay na rin sa ulat na inilatag ng DOST-PHIVOLCS Taal Volcano Observatory.
Nagbigay din ng ulat ang mga bayang nakapaligid sa Bulkang Taal partikular na ang Agoncillo, San Nicolas, Laurel, Talisay, at Balete hinggil sa pinakahuling sitwasyon sa kanilang nasasakupan.
Ayon naman sa Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), wala namang naitalang ‘significant impact’ ang nangyaring volcanic activity sa kasalukuyan. | ulat ni Jaymark Dagala