BOC-NAIA, patuloy ang ginagawang paghihigpit sa mga paliparan para labanan ang drug trafficking sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Bureau of Customs (BOC) na patuloy ang kanilang ginagawang pagbabantay laban sa mga nagpapasok ng iligal na kargamento sa bansa.

Partikular na tinukoy ng BOC si Ninoy Aquino International Airport (NAIA) District Collector Atty. Yasmin O. Mapa, kung saan sa ilalim aniya ng pamumuno nito ay patuloy ang pagtindi ng kanilang operasyon kontra illegal drug trafficking at iba pang customs fraud.

Ito ang naging pahayag ng ahensya matapos mahuli ng mga ito ang daang milyong halaga ng sinasabing shabu.

Ang naturang shipment ay mula Mexico at papunta sa Bulacan, at nakatago sa five hand-made cultural craft paintings at may kabuuang bigat na16.34 kilograms.

Pinuri naman ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang BOC-NAIA, dahil sa mahigpit na pagbabantay nito at mabilisang aksyon.

Giit ng opisyal, na ang BOC ay nananatiling lalaban kontra illegal drugs at pag iigihin pa ang border control para makasabay sa makabagong pamamaraan ng mga smuggling. | ulat  ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us