Nai-record ng Bureau of Customs (BOC) ang pagtaas ng collection revenue nito para sa unang tatlong quarter ng 2024 kung saan umabot ito sa halagang higit sa P690 bilyon.
Ang nasabing halaga na naitala mula Enero hanggang Septyembre ngayong taon ay katumbas ng pagtaas ng 4.61% kumpara sa nagdaang taon. Gayunpaman, hindi naabot ng BOC ang kanilang target para sa nagdaang tatlong magkasunod na quarter sa P693.8 bilyon dahil sa epekto ng Executive Order (EO) No. 62. Ang nasabing EO ay nagbawas ng taripa sa bigas mula 35% pababa sa 15%, na nagresulta sa P6.089 bilyong pagkawala ng kita mula sa rice imporatation.
Nakadagdag din, ayon sa Customs, ang expanded zero-import duties sa ilalim ng EO No. 12 na kinabibilangan ng mga battery electric vehicles (BEVs), hybrid electric vehicles (HEVs), plug-in HEVs, at mga specific parts and components ng mga ito.
Positibo naman ang BOC na maaabot pa rin nito ang revenue goal ng ahensya ngayong taon kung saan nagbabalak itong makabawi gamit ang iba’t ibang hakbang tulad ng collection sa mga non-traditional revenues tulad ng post-entry audit at auction. | ulat ni EJ Lazaro