Bohol Sub Grid, nanatiling intact sa kabila ng tumamang 4.1 magnitude na lindol — NGCP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi naapektuhan ng tumamang 4.1 magnitude na lindol sa Anda, Bohol ang serbisyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa buong lalawigan.

Batay sa ulat nito, nananatiling normal ang power transmission services nito sa kabila ng tumamang lindol.

Ayon pa sa NGCP, wala ding napaulat na anumang power interruption sa mga lugar na naapektuhan ng lindol.

Nananatili ring intact ang Bohol Sub Grid at walang napinsalang transmission facilities kasunod ng malakas na pagyanig. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us