BSP at Bank of Thailand, magkatuwang para paunlarin ang capital market at payment development

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Bank of Thailand ang High-Level Bilateral Meeting para sa pagtalakay ng mga pananaw, na naglalayong palakasin ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan ng central banking.

Sa pulong ni BSP Governor Eli M. Remolona, Jr. at Bank of Thailand Governor Sethaput Suthiwartnarueput, pinag-usapan ang role ng central banks sa pagpapaunlad ng capital market development at payment systems development.

Habang ang mga isyu sa fraud preventions, consumer protection, at paggamit ng artificial intelligence sa monetary policy ang hamon na kanilang kinahaharap na kailangang tugunan upang maibsan ang mga potential risk sa pagbabangko.

Kapwa nagkasundo ang dalawang central bank na tuklasin ang collaborative activities gaya ng study visits at webinars, upang palakasin pa ang longstanding cooperation at bilateral ties ng dalawang bansa.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us