Photo courtesy of Bureau of Corrections
Nakipagkasundo ang Bureau of Corrections sa isang kumpanya na magbibigay ng trabaho sa mga bagong laya na Persons Deprived of Liberty (PDL).
Ayon sa BuCor, layon nito na maging maayos ang pagbabalik sa lipunan ng mga PDL at mabawasan ang tiyansa na bumalik sa dating gawi ang mga ito.
Ayon kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr., ang kanilang pagpirma ni BP One Foods Inc. President Antonio Sebastian Escalante para sa employment opportunities ng mga dating PDL ay isa sa mga highlight ng selebrasyon ng BuCor ng National Correctional Consciousness Week.
Layon naman ng BP One Foods Inc., na palawakin pa ang brand nito sa Metro at magbigay ng dekalidad na produkto habang nakakapagbigay ng competitive job opportunities at compensation. | ulat ni Lorenz Tanjoco