Muling pinaalalahanan ng PHIVOLCS ang publiko sa banta pang pagputok ng bulkang Kanlaon sa Negros Islands.
Kasunod ito ng naobserbahan na tatlong mahihinang pagbuga ng abo kahapon ng umaga na may taas na 500 metro.
Ang ashing events ay tumagal ng dalawa hanggang anim na minuto at napadpad patungong Timog-Kanluran.
Wala namang naitalang paglindol o infrasound signals sa bulkan ngunit nagdulot ito ng ashfall sa Barangay Yubo at Ara-al sa La Carlota City at barangay Sag-ang sa La Castillana.
Naiulat din ang masangsang ng amoy ng asupre sa barangay Yubo.
Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ng 17 volcanic earthquake ang bulkan at tatlong ashing events.
Abot sa 3,244 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga nito kahapon.
Nakataas pa rin sa alert level 2 ang status ng Bulkang Kanlaon.| ulat ni Rey Ferrer