Nagtala pa ng apat na phreatic eruption events ang Taal Volcano sa Batangas na tumagal ng isa hanggang anim na minuto ang haba hanggang kaninang madaling araw.
Kasabay nito, ang dalawang volcanic earthquake kabilang ang isang volcanic tremor na tumagal ng pitong minuto.
Sa nakalipas na 24 oras, nakapaglabas pa ang bulkan ng 3,276 tonelada ng sulfur dioxide kada araw.
Nakitaan pa rin ito ng upwelling ng mainit na volcanic fluids sa lawa at pagbuga ng usok na abot sa 1,200 metro ang taas na napadpad sa timog-kanluran.
Ayon sa Phivolcs, nanatili pa rin sa Alert Level 1 o may bahagyang aktibidad ang bulkan.| ulat ni Rey Ferrer