Bulkang Taal, nakapagtala ng 2 phreatic eruption

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muli na namang nakapagtala ng phreatic o steam-driven eruption ang Bulkang Taal nitong miyerkules, October 16.

Sa 24-hour monitoring ng PHIVOLCS, umabot sa dalawang phreatic eruption o pagbuga ng usok o steam ang naitala mula sa Main Crater ng Bulkang Taal.

Ayon sa PHIVOLCS, tumagal ng dalawa hanggang 14 na minuto ang naturang phreatic eruption na bunsod pa rin ng nagpapatuloy na upwelling ng mainit na volcanic gas sa Taal Volcano.

Kaugnay nito, aabot rin sa 2,064 na toneladang sulfur dioxide ang inilabas ng Bulkang Taal, habang nagkaroon din ng katamtamang pagsingaw na umabot sa 900 metro ang taas.

Sa ngayon ay nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Taal Volcano. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us