Bustos Bulacan LTO Chief at isang fixer, hinuli ng NBI at ARTA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Anti Red Tape Authority (ARTA) ang hepe ng Land Transportation Office (LTO) sa Bustos Bulacan kasama ang isang fixer.

Ayon sa Public Assistance Division (PAD) ng ARTA, dinakip si Bustos, Bulacan LTO  Chief Carlito Diala Calingo dahil sa umano’y pakikipagsabwatan kay Michael Santos Mendoza na isang kilalang fixer sa pagproseso ng driver’s license.

 Batay sa reklamo, talamak ang fixing activity sa lokal na tanggapan ng LTO.

Nahuli ang LTO official kasama ang fixer na humihingi ng P7,000 para sa renewal ng driver’s license nang hindi na dadaan sa tamang proseso at standard procedures.

Inirekomenda ng ARTA ang pag-uusig kay Calingo at mga kasama nito dahil sa paglabag sa Republic Act 11032 at Republic Act 3019. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us