Bustos Dam sa Bulacan, nagpapakawala na rin ng tubig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulang dala ng bagyong Kristine, nagpakawala na ng tubig ang Bustos Dam sa Bulacan.

Alas-6 ng umaga, aabot sa 245 cubic meters per second ang pinakawalang tubig mula sa dalawang gate sa Bustos Dam.

Ito’y matapos na lumagpas na rin sa spilling level na 17.35 meters at nasa antas na 17.40 meters.

Dahil sa pagpapakawala ng tubig sa naturang mga dam, patuloy na may banta ng pagbaha ang mga bayan ng Angat, Ba­lagtas, Baliuag, Bocaue, at Calumpit sa Bulacan.

Kaugnay nito, nagpapatuloy din ang discharge sa lima pang dam sa Luzon.

Kabilang dito ang Ipo Dam, Ambuklao Dam, Binga, San Roque, at Magat Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us