Sinuspinde ng Philippine Coast Guard ang biyahe ng RORO vessels na may rutang Iloilo-Guimaras at vice versa ngayong umaga.
Sinuspinde ang biyahe dahil sa advisory ng PAGASA na ang Iloilo at Guimaras ay isinailalim sa Public Storm Warning Signal No. 1 dahil sa Bagyong Kristine.
Bukod pa rito, may gale warning din ang PAGASA sa seaboards ng Visayas, kung saan kabilang ang Iloilo at Guimaras.
Ayon sa PCG, ito ay para sa kaligtasan ng mga mamamayan habang patuloy ang epekto ng Bagyong Kristine sa probinsya ng Iloilo at Guimaras.
Inaabisuhan ng PCG ang lahat na makinig sa mga pinakahuling advisories at iwasan munang pumalaot para mangisda upang makaiwas sa anumang insidente sa dagat. | ulat ni Paul Tarrosa | RP1 Iloilo