Naka-heightened security na ngayon ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at ang lahat ng airports sa ilalim nito bilang suporta sa Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2024 ng Department of Transportation (DOTr).
Ayon sa CAAP, inaasahan na nila ang dagsa ng mga pasahero ngayong Undas dahilan kaya inatasan na anila ang lahat ng kanilang mga service chiefs at airport managers na tiyakin ang walang patid na aiport operations.
Dapat din ayon sa CAAP na mas ayusin pa ang mga pagtulong sa mga byahero.
Giit naman ni CAAP Director General Capt. Manuel Antonio Tamayo prayoridad nila ang kaligtasan at seguridad ng kanilang mga pasahero ngayong Undas 2024.
Kaya naman nagpakalat na sila ng mga Malasakit Help Desk sa lahat ng mga paliparan gayundin ang mga security at medical personnel para sa kapakinabangan ng mga pasahero.
Tatagal ang naturang heightened alert hanggang November 10 ng taong kasalukuyan. | ulat ni Lorenz Tanjoco