Caloocan LGU, naglabas na ng gabay para sa ligtas na paggunita ng Undas 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dalawang linggo bago ang Undas ay naglabas na rin ang Caloocan City government ng ilang paalala para sa mga bibisita sa mga pampublikong sementeryo sa lungsod.

Ayon sa LGU, papayagan ang paglilinis at pagpipintura ng mga puntod hanggang sa October 29 lamang.

Habang ang iskedyul naman sa pagbisita sa mga sementeryo sa lungsod ay mula October 30 hanggang November 2, 2024.

Papayagan ito mula alas-7 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.

Kaugnay nito, muling nagpaalala ang LGU sa mga kadalasang ipinagbabawal sa mga sementeryo kasama na ang pagdadala ng mga matutulis at matatalim na bagay, mga nakakalasing na inumin, mga bagay na maiingay tulad ng radyo, speakers, at pagsusugal. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us