Caloocan LGU, nagsimula na sa clean up ops sa mga sementeryo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsimula nang maghanda ang Caloocan LGU para sa nalalapit na paggunita ng Undas.

Sa pangunguna ng City Environmental Management Department (CEMD) at Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD), sinimulan na ang clean-up operations sa iba’t ibang sementeryo sa lungsod.

Ayon kay Mayor Along Malapitan, layon nitong tiyakin na maaliwalas at malinis ang mga sementeryo para sa mas maayos, taimtim, at payapang pagbisita ng mga kababayan sa kanilang yumaong mahal sa buhay.

Kasunod nito, nagpasalamat ang alkalde sa CEMD at PSTMD para sa maagang paghahanda sa #Undas2024.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us