Cash remittance ng mga overseas Filipino, patuloy ang paglago — BSP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang patuloy na paglago ng remittance ng Overseas Filipinos kung saan umabot ito sa $22.217 billion para sa buwan ng Agosto.

Base sa datos ng BSP, mataas ito ng 2.9 percent kumpara sa $21.582 billion para  sa parehas na buwan noong 2023.

Para sa unang walong buwan ng 2024, nasa $17.74 billion ay mula sa land-based workers, $4.48 billion naman ay mula sa padala ng sea-based workers.

Ayon pa sa BSP, ang “steady growth” sa cash remittance ay mula sa Estados Unidos, United Arab Emirates, at Singapore at sila din ang may “highest share” sa overall remittances.

Ang America ang top country source ng remittance na ipinadadala sa pamamagitan ng correspondent banks na nakabase sa U.S.

Base sa projection ng BSP, inaasahan papalo sa $34.5 billion ang cash remittance para sa ngayong taon, habang nasa $35.5 billion naman ang para sa 2025.  | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us