Bagama’t may isang termino pa si Catanduanes Governor Joseph Cua, nagpasya siyang tumakbo sa 2025 Midterm Elections bilang Mayor ng Virac.
Sa huling araw ng COC filing kahapon, naghain siya ng kaniyang Certificate of Candidacy sa tanggapan ng COMELEC Virac.
Kaugnay nito, naghain naman ng kandidatura sa pagka-Gobernador ang kanyang kapatid na si Incumbent Vice Governor Peter Cua.
Ayon kay Gov. Cua, ipinauubaya na niya ang posisyon sa kanyang kapatid dahil kumpiyansa siya na isa itong mabuting lider at handa na ipagpatuloy ang kanyang mga magandang nasimulan para sa probinsya.
Samantala, naghain din ng kandidatura sa pagka-konsehal ng Virac ang anak ni Governor Cua na si Joshua Chino Cua. | ulat ni Juriz Dela Rosa | RP1 Virac