COA Director, naniniwala na panahon nang repasuhin ang joint circular sa liquidation ng confidential at intelligence funds

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aminado ang isa sa mga direktor ng Commission on Audit (COA) na panahon nang repasuhin ang Joint Circular 01-2015, na may kaugnayan sa paglalabas, paggamit, pag-uulat at pagsusuri ng Confidential Funds (CF) at Intelligence Funds (IF).

Ito’y matapos lumabas sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, na gumastos ang Office of the Vice President (OVP) ng P16 million ng confidential fund nito noong 2022 para sa pagbabayad ng mga safehouse.

Batay sa accomplishment report na isinumite ng OVP sa COA, ang naturang halaga ay ginastos sa loob ng 11 isang araw at may 34 na kataong binayaran para dito.

Katunayan base sa isa sa mga resibo, umabot ang renta ng P500,000 o  P45,000 kada araw.

Pero,  aminado si Atty. Gloria Camora, COA Intelligence and Confidential Funds Audit Officer, na kung pagbabatayan ang mga isinumiteng dokumento ay hindi matukoy kung ang naturang halaga ay para sa isang araw lang ng renta ng safe house.

Kaya naman nang mausisa ni Antipolo Rep. Romeo Acop, Vice-Chair ng komite si COA Director Sofia Gemora kung ano ang dapat na susunod na hakbang, sinabi nito na dapat balikan ang naturang joint circular.

Posible aniyang panahon nang baguhin ito upang maging transparent din sa kung saan ginastos ang CIF.

Ang naturang joint circular ay sa pagitan ng COA, Department of Budget and Management (DBM), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of National Defense (DND), at Governance Commission for GOCC (GCG). | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us