Coast Guard, nagdagdag ng mga tauhan sa Bicol Region para tumulong sa recovery operation 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpadala ng dagdag pwersa ang Philippine Coast Guard-Southern Tagalog sa Bicol Region para tumulong sa ginagawang search and rescue operations matapos ang pananalasa ng bagyong Kristine doon. 

Ayon kay PCG Admiral Ronnie Gil Gavan, ang dagdag pwersa na ipinadala ay nakatuon sa operational capabilities para magsagawa ng rescue operation. 

Dala rin nila ang iba pang kagamitan upang mapabilis ang gagawing search and rescue operation sa mga sinasabing inanod noong kasagsagan ng pagbaha. 

Ang specialized teams na ipinadala ng PCG ay kinabibilangan ng mga communications personnel, rescue divers, at medical responders gamit ang mga utility trucks at rubber boats para magdala ng tulong sa mga naapektuhan na komunidad.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us