Inumpisahan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagsuri sa certificates of candidacy (COC) ng mga kandidato sa pagka-senador sa 2025 midterm elections.
Sinabi ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia, batay sa initial assessment, sa 183 COC na kanilang natanggap sa pagkasenador, nasa 66 lamang ang lehitimo at posibleng maisama sa listahan ng mga kandidato.
Nakitaan naman ng iba’t ibang issue ang COCs ng iba pang kandidato.
Pero nilinaw ni Garcia na hindi pa pinal ang nasabing numero dahil tumatanggap pa ang COMELEC ng petisyon para sa kanselasyon ng COC.
Samantala, pinalawig ng COMELEC ang deadline sa paghahain ng petisyon para ideklarang nuisance candidate ang isang aspiring candidate hanggang Oktubre 16. | ulat ni Rey Ferrer