Nakatakdang bumiyahe ni Comelec Chair George Erwin Garcia patungong Bangsamoro Autonmous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa nakatakdang filing ng Certificate of Candidacy (COC) sa gagawing parliamentary elections.
Ang filing ng COC sa BARMM ay inilipat sa November 4 – 9.
Ayon kay Chair Garcia, nais niyang supportahan ang mga Comelec employees na siyang tatao sa COC filing upang iangat ang kanilang moral at mapanatag ang kanilang kalooban.
Sa huling araw kasi ng COC filing kahapon, ilang indibidwal nasugatan dahil sa tension sa pagitan ng mga suporters ng kandidato.
Dahil dito, agad na inilipat ng Comelec ang kanilang venue ng COC filing upang magtuloy-tuloy pa din ang filing ng mga kakandidato sa election.| ulat ni Melany V. Reyes