Tiniyak ng Commission on Elections na mananatiling transparent ang poll body sa lahat ng proseso ng paghahanda sa 2025 Midterm Election.
Sa panayam kay Comelec Chair George Erwin Garcia, inanyayahan nito ang mga myembro ng media sa October 11 na samahan sila sa pag-inspect source code.
Ang source code ay ang human readable version ng voting software program na siyang gagamitin sa halalan sa susunod na May 12, 2025.
Ito ang unang pagkakataon sa election ng bansa na ipakikita sa publiko ang source code para masiguro sa mga botante ang integridad ng election. | ulat ni Melany Reyes