COMELEC-NCR, handa na sa pagtanggap ng mga maghahain ng COC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handa na ang Commission on Elections-National Capital Region (COMELEC-NCR) para sa pagtanggap ng Certificates of Candidacy (COC) ng mga tatakbo sa pagka-kongresista.

Maaga pa lamang, mala-fiesta na ang sitwasyon dahil sa mga pakulo ng mga tagasuporta ng ilang kandidato sa kabila ng pabago-bagong lagay ng panahon.

Alas-8 ng umaga nagsimula ang filing ng COC at tatagal ito hanggang alas-5 ng hapon simula ngayong araw hanggang sa susunod na Martes, October 8.

Bagaman maaliwalas na panahon ang bumungad sa mga supporter ng ilang kakandidato, manaka-nakang bumuhos ang malakas na ulan.

Dahil naman sa pagdagsa ng mga tagasuporta ng mga nais kumandidato sa Kongreso, nagdulot naman ito ng mabigat na daloy ng trapiko. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us