Nilinaw ni Commission on Election (COMELEC) Chairman George Garcia na ang sakop lamang ng desisyon ng Korte Suprema na inilabas kahapon ay ang mga appointed official lamang ng pamahalaan.
Ibig sabihin, “deemed resigned” na mula sa kanilang posisyon ang mga opisyal matapos magsumite ng kanilang Certificate of Candidacy (COC).
Binigyang diin naman ni Garcia na hindi sakop ng desisyon ang mga halal na opisyal at mga itinalagang opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ang paglilinaw na ito ay kasunod ng mga pagkalito ng iilan sa naging desisyon ng Korte Suprema na katigan ang petisyon ng election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal laban sa isang bahagi ng resolusyon na inilabas ng COMELEC.| ulat ni EJ Lazaro