Muling iginiit ni Commission on Elections (COMELEC) Chairperson George Garcia na wala silang tinatanggihang sinuman sa pag-file ng kandidatura anuman ang katayuan sa buhay o kung paano man nito ipresenta ang sarili sa publiko.
Ito ang inihayag ng COMELEC sa pagpapatuloy ng filing ng Certificate of Candidacy na sa ngayon ay nasa ikaapat na araw na.
Pero ayon kay Garcia, bigyan lamang sila ng dalawa hanggang tatlong linggo pagkatapos ng October 8 para masabi nito kung sino ang mga nuisance at lehitimong kandidato at kanilang aantayin kung may mga mapepetisyon sa kanilang desisyon o magkakansela ng kanilang kandidatura.
Ito ay maliban pa sa pangako ng COMELEC na isasapubliko nito ang lahat ng COC na nag-file ng kanilang kandidatura para sa mga petisyon laban sa mga ito sa komisyon. | ulat ni EJ Lazaro