Welcome development para sa Commission on Elections (COMELEC) ang pagpabor ng Korte Suprema sa hiling para sa Temporary Restraining Order (TRO) na inihain ng election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal laban sa Section 11 ng COMELEC Resolution 11045, na nagpapahintulot sa mga itinalagang opisyal ng gobyerno na manatili sa kanilang puwesto kahit naghain na ang mga ito ng kanilang kandidatura.
Dahil dito, binanggit ni COMELEC Chairperson George Erwin Garcia sa presscon sa pagtatapos ng unang araw ng filing ng certificate of candidacy sa The Manila Hotel Tent City, na lahat ng itinalagang opisyal sa 10 nominee ng bawat party-list ay “deemed resigned” na ang mga ito batay sa desisyon ng Mataas na Hukuman.
Kanila din daw suportado ang mga ganitong mga inistiyatiba upang magkaroon ng kalinawan ang mga “grey area” sa mga panuntunan sa filing at sa halalan.
Kahapon, October 1, sa kabuuan ay umabot sa 15 party-list at 17 sa pagka-senador ang nag-file ng COC sa unang araw ng filing at inaasahan na sa mga susunod na araw ay madadagdagan pa ang bilang na ito hanggang sa pagsasara sa October 8. | ulat ni EJ Lazaro