Kinumpirma ni Commission on Appointments (CA) Assistant Minority Leader at Surigao del Sur Representative Johnny Pimentel na natanggap na nila ang appointment papers ng bagong mga kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Trade and Industry (DTI).
Aniya, October 9 nang matanggap ng Congressional CA ang appointment papers ng bagong talagang DILG Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla Jr.
Matatandaan na pinalitan ni Remulla si Benhur Abalos na kinailangang bumaba sa pwesto matapos maghain ng Certificate of Candidacy sa pagka-senador.
Hawak na rin aniya nila ang papel naman ni DTI Secretary Ma. Cristina Aldeguer-Roque.
Pinalitan naman niya si dating DTI Secretary Alfredo Pascual na bumalik na sa private sector.
Gayunman, matatalakay lang aniya nila ang pagkakatalaga ng dalawa oras na magbalik sesyon ang Kongreso sa November 4.
“We already have Secretary Remulla’s papers, but we won’t be able to tackle his appointment for now because Congress is adjourned. We are not in session,” ani Pimentel. | ulat ni Kathleen Jean Forbes