Mas mataas ang crime index noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kumpara sa ngayong administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay Senate President Chiz Escudero, matapos ang naging pahayag ng mga resource person kahapon sa pagdinig ng Blue Ribbon Subcommittee na bumaba ang kriminalidad sa Pilipinas noong pinapatupad ang drug war ng duterte administratyion, ay na-curious siya kung tugma ito sa isinasaad ng mga datos.
Kaya naman kumuha siya ng datos ng crime index mula sa DILG noong mga panahong iyon bilang may kopya naman nito ang Legislative Budget Research and Monitoring Office (LBRMO) dahil ipinapasa ito para sa budget deliberations.
Batay aniya sa datos, mula July 1, 2016 hanggang April 21, 2018 ay nasa 196,518 ang crime index habang sa parehong panahon sa ilalim ng kasalukuyang Marcos administration o mula July 1, 2022 hanggang April 21, 2024 ay aabot lang sa 71,544 ang crime index sa Pilipinas.
Kung ikukumpara aniya ay mas mataas ng 60 percent o halos triple ang taas ng krimen noong panahon ng drug war.
Kasama na aniya sa datos na ito ang bilang ng mga napatay sa pagpapatupad ng war on drugs ng nakaraang administrasyon o extra judicial killings dahil giit ng Senate President ay krimen pa rin ang pagpatay.| ulat ni Nimfa Asuncion