Nagbitiw na sa kanyang tungkilin si Civil Service Commision Chairman Karlo Nograles.
Ito ang kinumpirma ni CSC Commissioner Aileen Lizada ngayong gabi.
Sa kanyang pinadalang resignation letter kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. epektibo ang kanyang pagbibitiw ngayong araw, Oktubre 7.
Walang binanggit na mabigat na dahilan si Nograles sa kanyang pagbitiw sa pwesto.
Bago ito naglabas ng pahayag ang CSC kaugnay sa presensya ni Nograles sa COMELEC sa paghahain ng COC ni Davao City incumbent councilor Javi Campos bilang representative ng ikalawang distrito.
Nagpaala ang CSC sa mga civil servant kabilang ang militar at pulis na huwag makisawsaw sa anumang electioneering o partisan political activity maliban sa pagboto. | ulat ni Rey Ferrer