Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na nakahanda ang ahensya na mamahagi ng binhi sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Kristine.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nasa 70% ng mga sakahan ng palay ay nakapag-ani bago ang pagdating ng bagyo habang ang ibang sakahan sa bansa ang handa na aniyang mag-ani ngunit nabaha.
Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng ahensya ang ulat upang matukoy ang lawak ng pinsala, at makagawa ng mga hakbang upang matulungan ang mga magsasaka at mangingisda na makabangon mula sa kalamidad.
Inatasan din ng kalihim ang Philippine Crop Insurance Corp., na agad iproseso ang insurance claims upang matulungan ang mga magsasaka na makabawi sa kanilang mga napinsalang pananaim dulot ng bagyo. | ulat ni Diane Lear