Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) ang tulong na ilalaan para sa mga magsasakang apektado ng pagtama ng bagyong Julian.
Ayon sa DA, kabilang sa inihahanda nito ang ₱164.27-milyong halaga ng agricultural inputs (rice, corn, and vegetable seeds) na mula sa Regional Offices nito sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, at Central Luzon.
Mayroon ding hanggang ₱25,000 loan ang maaaring ialok sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC).
Kaugnay nito, umakyat pa sa ₱481.27-million ang halaga ng pinsala ng agri sector bunsod ng pananalasa ng bagyong Julian.
Kasama sa apektado ang 20,134 magsasaka mula sa Ilocos, Cagayan Valley, at Central Luzon. | ulat ni Merry Ann Bastasa