Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) ang tulong na ilalaan para sa mga magsasakang apektado ng pagtama ng bagyong Kristine.
Ayon sa DA, kabilang sa inihahanda nito ang ₱80.21 milyong halaga ng agricultural inputs na kinabibilangan ng mga binhi at biologics para sa livestocks na mula sa Regional Offices nito sa Cordillera Administrative Region, Central Luzon; Calabarzon, MIMAROPA, Bicol, at Eastern Visayas.
Mayroon ding hanggang ₱25,000 loan ang maaaring ialok sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC).
Kaugnay nito, nakapagtala na ang DA ng ₱80.80-milyong halaga ng pinsala ng agri sector kasunod ng pananalasa ng bagyong Kristine sa apat na rehiyon sa bansa.
May katumbas itong nasa 1,570 ektarya ng sakahan at 2,864 na mga magsasaka.
Inaasahan naman ng DA na lalaki pa ang pinsala ng bagyong Kristine sa iba pang agri commodities sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa