DA, naglaan na ng higit kalahating bilyong halaga ng agri inputs para sa mga magsasakang apektado ng bagyong Kristine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumampa na sa ₱541-million ang halaga ng agricultural inputs na inilaan ng Department of Agriculture (DA) para sa mga magsasakang apektado ng bagyong Kristine.

Kabilang dito ang mga binhi ng palay at mais, at biologics para sa livestock at poultry na mula sa iba’t ibang Regional Field Offices ng kagawaran.

Bukod dito, dumating na rin ang mga truck ng bigas mula sa National Food Authority (NFA) at Food Terminal Incorporated (FTI) sa Bicol Region bilang suporta sa mga pamilyang bumabangon mula sa kalamidad.

Alinsunod din sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nakahanda na rin ang Kadiwa stores na ide-deploy sa mga apektadong lugar.

Bukod dito, ay tiniyak din ng DA ang nasa ₱1-billion Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga nasirang pananim.

Sa latest assessment ng DA, aabot na sa ₱3.11-billion ang halaga ng pinsalang idinulot ng bagyong Kristine sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western at Eastern Visayas, SOCCSKSARGEN, at Caraga Region. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us