Nagpatupad ng temporary ban sa pag-angkat ng mga hayop ang Department of Agriculture (DA) mula sa bansang Turkey.
Partikular ang mga hayop na madaling kapitan ng foot and mouth disease pati ang mga produkto nito.
Ginawa ang kautusan upang maiwasan ang pagpasok ng FMD virus sa Pilipinas.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nagkaroon ng FMD Outbreak sa nasabing bansa, noong Setyembre 9 na nakaaapekto sa mga alagang baka.
Sabi pa ni Tiu Laurel na mananatili ang import ban hanggang sa mawala ang banta ng foot and mouth disease. | ulat ni Rey Ferrer