Dagdag honoraria at benepisyo sa mga guro at poll workers sa 2025 elections, ipinanawagan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng suporta si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa panawagan na itaas ang allowances at benepisyo na ibinibigay sa mga guro at poll workers, at gawin itong tax free.

Ito ay may kaugnayan sa panukala ng Alliance of Concerned Teachers’ (ACT) na taasan ang honoraria at allowances, at mabigyan ng legal protection ang mga guro na nagsisilbing miyembro ng board of election inspectors (BEIs).

Noong 2022 elections, ang mga guro na gumanap sa election-related services ay nabigyan ng P3,000 hanggang P7,000 na honoraria depende sa papel na kanilang ginampanan.

Giit ng mambabatas, hindi ito sapat sa serbisyo at sakripisyong ginagawa nila tuwing eleksyon.

Binigyang diin ni Pimentel, na napakahalaga ng gampanin ng mga guro sa pagsisiguro ng malinis at maayos na halalan.

Ipinunto pa ng senador, na sa mga lugar na itinuturing na ‘election hot spots’ ay nalalagay pa sa alanganin ang buhay ng mga guro at poll watcher, kaya naman hindi na aniya dapat ipagkait sa kanila ang dagdag na benepisyo.

Kaugnay nito, sinabi ng minority leader na dapat rebyuhin ang budget para sa honoraria ng mga guro at poll workers sa panukalang 2025 national budget.

Hinikayat rin ni Pimentel ang Comelec, na silipin ang working condition at kaligtasan ng mga miyembro ng BEI tuwing botohan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us