Inaasahan ng National Food Authority (NFA) ang higit sa kalahating bilyong piso na karagdagang kita mula sa mga benta nitong bigas ngayong 2024.
Ito’y matapos aprubahan ng NFA council ang price hike na P38 kada kilo ng bigas na ibinibenta sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang ahensya ng pamahalaan.
Ayon sa NFA, sumang-ayon naman ang DSWD na miyembro rin ng council sa naturang presyo.
Sinabi naman ni Agri Sec. Tiu Laurel na makatutulong ito para mabawasan ang pagkalugi ng NFA at magkaroon ng dagdag na pondo para makabili pa ng mas maraming palay mula sa mga magsasaka.
Kasunod nito, tiniyak naman ni NFA Administrator Larry Lacson na ang pagtaas ng presyo sa DSWD, pati na rin sa iba pang mga ahensya ay hindi makakaapekto sa presyo ng bigas sa merkado. | ulat ni Merry Ann Bastasa