Kasunod ng nilagdaan kasunduan ng Pilipinas at South Korea inaasahang magdudulot ito ng paglago ng mga negosyo at paglikha ng mga trabaho sa bansa.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, maliban sa hangarin mobility ng 3 malalaking infrastructure project na popondohan ng South Korea, magdudulot din ng multiplier effect sa mga negosyo at trabaho sa Pilipinas.
Sinabi ni Recto, ang infra project na nagkakahalaga ng P187.54 billion, at testamento ng robust economic ties sa pagitan ng Manila at Seoul.
Kabilang dito ang P6.34 billion financing agreement para sa Samar Pacific Coastal Road II Project, Laguna Lakeshore Road Network (LLRN) Project Phase 1 (Stage 1) and the Panay-Guimaras-Negros Island Bridges Project.| ulat ni Melany V. Reyes